• Sonuç bulunamadı

Patientinformation och förhållningsregler Tuberkulos, översättning till tagalog, Filipinerna

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Share "Patientinformation och förhållningsregler Tuberkulos, översättning till tagalog, Filipinerna"

Copied!
2
0
0

Yükleniyor.... (view fulltext now)

Tam metin

(1)

Sveriges Smittskyddsläkarförening 2004-07-01 med anpassning för Norrbottens län 2006-09-21

Patientinformation och förhållningsregler

Tuberkulos, översättning till tagalog, Filipinerna

Tuberkulosis (TB,Tisis, Pagkatuyo), kaalaman para sa mga pasyente

Kaalaman at reglamento para sa mga pasyente. Pagsanggalan Laban Sa Mga Nakakahawang Karamdaman.

Paano mahahawaan ang tao?

Ang sanhi o dahilan ng sakit na Tuberkulosis o ang tinatawag na TB, Tisis o Pagkatuyo ay ang bakterya sa baga ng tao na kumakalat o lumilipat tao sa tao, sa pamamagitan ng paghinga ng isang tao ng hininga ng taong my sakit na Tuberkulosis (TB). Ang TB bakterya ay lumilipad sa hangin kapag umubo o huminga ng malalim ang taong may sakit ng TB o Tuberkulosis. Kahit mahinga ng isang tao ang bakteryang ito, hindi siya kaagad agad na magkakasakit; puedeng makakalipas ang medyo matagal na panahon bago maramdaman ng tao ang mga sintomas ng sakit na TB.

Mayroong mabisang gamot na kontra sa Tuberkulosis

Mayroong mga gamot na mabisa laban sa sakit ng Tuberkulosis pero ang mga gamot na ito ay hindi gumagana o kumikilos na deretso laban sa bakterya; kaya mahaba o matagal ang panahon bago mamatay o mawala ang bakterya sa baga.

Kaya ang tao, o ikaw, ay maaring manatiling nakakahawa pa rin kahit na umiinom ka ng gamot na laban sa TB o kahit na tapos na ang paginom ng gamot. Masyadong importante na ang ibang tao ay hindi mo mahawaan habang ikaw ay maysakit at tinatrato ng gamot. Masyado ding importante na inumin mo ang mga gamot na inereseta o inihatol ng doktor sa iyo, magmula sa umpisa hanggang sa katapusan ang paggagamot. Sa karaniwang kaso, pag napahayag na ng doktor, na ikaw ay hindi na nakakahawa puede ka nang bumalik sa iyong karaniwang araw araw na buhay. Sa karaniwang kaso din, hindi kailangang matagal na panahon na manatili ka sa bahay;

puede ka nang bumalik sa trabaho sa loob ng maikling panahon.

Ang karamdaman o sakit na Tuberkulosis ay itinuturing na mapanganib o peligroso sa lipunan at kailangan nating gumawa ng pagbabakas o kailngan nating batasin ang lahat ng mga kaukulang pangyayari para mahanap natin ang iba pang mga tao na maaring mahawaan ng Tuberkulosis.

Ang lahat ng membro ng pamilya mo at iyong mga kaibigan na malalapit sa iyo ay kailangang mabigyan ng Tuberkulintest at kailangan din pati, sa karaniwang kaso, ang X-ray ng baga.

Mayroon kang obligasyon na makisama at sumunod sa paraan na ito ng pagbabakas ng

pagkahawaan ng sakit sa TB lalo na sa pagbibigay ng mga pangalan ng mga taong malalapit ang kontak sa iyo. At iyong mga kamaganak at kaibigan mo ay obligado din kung sila ay matatawag para ma-eksamen sila ng manggagamot.

Itong mga reglamento o tuntunin ay kailangan mong sundin para hindi mo mahawaan ang ibang tao:

-Pag inorder ng doktor, kailangan mong bumalik sa dispensaryo o ospital para ma-iksamen o masiyasat o masuri ka uli ng doktor at baka kailangang mag-order pa siya ng mga iba pang mga blood tests o rayos ekis para matiyak ang asenso o unlad ng iyong sakit.

-Hindi mo puedeng palitan o ibahin ang pagiinum ng gamot maliban kung pinagusapan mo ito sa iyong doktor at pumayag siya.

1 (2)

(2)

Sveriges Smittskyddsläkarförening 2004-07-01 med anpassning för Norrbottens län 2006-09-21

Patientinformation och förhållningsregler

Tuberkulos, översättning till tagalog, Filipinerna

-Kung gusto mong magpalit ng doktor o gusto mong maiksamen ng iba pang doktor, kailangang sabihin mo ito sa iyong doktor na kasalukuyang nag-aalagasa iyo.

Habang ikaw ay nakakahawa, kailangan mong:

-Matulog na mag-isa sa kuarto.

-Iwasan mo, o huwag kang lumapit sa mga bata at sanggol at mga buntis na babae o iyong mga taong walang bakuna laban sa Tuberkulosis o iyong mga taong mababa ang kaligtasan sa sakit kagaya ng mga matatanda o mga taong meron ng ibang sakit.

Titira ka sa loob ng iyong bahay at puede ka din lumabas sa paligid ng iyong bahay pero kailangan mong iwasan ang ibang tao lalo na sa malapitan, maliban sa iyong malapit na

kamaganak na nakatira sa iyo. Hindi ka puedeng umimbita ng mga kaibigan o ibang tao sa iyong bahay.

Kailangan mong sundin ang mga reglamento o tuntunin

Ang karamdaman o sakit na nahawaan mo ay mapanganib o peligroso sa lipunan ayon sa batas ng pagsanggalan laban sa mga nakakahawang karamdaman. Kaya nga ikaw ay may katungkulan o obligasyon na sundin ang utos at reglamento ng iyong doktor. Kung may alinlangan ka at gusto mong tanungin at magreklamo sa doktor, puedeng ikonsider at pagisipan ng doktor at maaring iayos o palitan ang mga tuntunin o reglamento. Bukod sa ito, kailangan mong sundin ang mga tuntunin o utos na natanggap mo.

Ang adres ng doktor ng Pagsasanggalan Laban sa Nakakahawang Karamdaman sa iyong pook o distrito ay:

Smittskydd, Norrbottens läns landsting Sunderby sjukhus

971 80 Luleå

www.nll.se/smittskydd

2 (2)

Referanslar

Benzer Belgeler

.ىرخأ .اوملا ىلإو مزم ااباقإ ىلإ جيا يب كرت ي يذلا لسلا ضرم ي ؤي نأ كميو .) ماكلا( لماخلا لسلا ىمسي امل ًيماح نوكي يلا ضرملا راظي لاو ىودعلاب ئا ي يذلا صخشلا.

Sjukdomen kan smitta från personer med tuberkulos i lungorna eller luftvägarna.. Bakterien kan spridas genom luften inomhus när man hostar och en annan människa andas in de

Kung ikaw ay nagtratrabaho sa lugal na namamahala ng pagkain na hindi nakaimpake o hindi nakabalot, mayroong batas na kailangan mong ireport sa iyong empleo na ikaw ay maysakit na

Ugomba kumenyesha uwo muntu ko amaraso yawe afise agakoko k’umugera wa sida kandi ko agomba byihutirwa kujya aho bivuriza indwara canke se clinique ishinzwe ukwandura

Amja;A`pa;etQ>r`pI; tKjio>Niuc\cMetQmHa ATU;etQ>rel.RHipfty\" eragfpiu;RHiqU ARQy\erak\qU twk\ekja\mHa dIeragflkˆ¯a lMu;wmetQ>rpfBU;" etQ>rel.RHitE.. lUnak

Ugomba kumenyesha uwo muntu ko amaraso yawe afite agakoko ka hepatite B kandi ko agomba byihutirwa kujya aho bivuriza indwara cangwa se clinique ishinzwe ukwandura indwara

Enligt smittskyddslagen måste den som har en smittsam sjukdom göra det som krävs för att skydda andra mot smitta (så kallad skyddsplikt)?. Det betyder att du under den period du kan

Hata wakati wa matibabu sahihi, kondomu lazima itumike wakati wa ngono ya mkundu na ya uke ili kupunguza hatari ya maambukizo ya Ukimwi kadri iwezekanavyo.. Madawa