• Sonuç bulunamadı

Patientinformation och förhållningsregler Campylobacter, översättning till tagalog, Filipinerna

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Share "Patientinformation och förhållningsregler Campylobacter, översättning till tagalog, Filipinerna"

Copied!
2
0
0

Yükleniyor.... (view fulltext now)

Tam metin

(1)

Sveriges Smittskyddsläkarförening 2004-07-01 med anpassning för Norrbottens län 2006-08-16

Patientinformation och förhållningsregler

Campylobacter, översättning till tagalog, Filipinerna

Campylobakterya, kaalaman para sa mga pasyente. Hulio 1, 2004

Kaalaman at reglamento para sa mga pasyente. Pagsanggalan Laban Sa Mga Nakakahawang Karamdaman.

Ano ang Campylobakterya Impeksiyon?

Ikaw ay nahawaan ng bakterya sa bituka at ang tawag sa sakit na ito ay Campylobakterya impeksiyon. Ang bakteryang ito ay nagbibigay ng sintomas na may diarea o pagtatae ( kung minsan ang dumi ay may kahalong dugo ), sakit o kalambre sa tiyan, lagnat, at pagsusuka. Ang mga sintomas na ito ay hindi masyadong magtatagal; maaring matapos na ang mga problema ng lagnat at pagtatae at pagsusuka at sakit sa tiyan sa loob ng isa o dalawang lingo pero ang

nakakahawang bakterya sa bituka ay mananatili o natitira sa bituka ng ilang lingo pa. Sa mga karaniwang kaso ang sakit na ito ay gumagaling o malulunasan sa sarili lang niya at walang kailangang espesyal na gamot o remedyo, pero kung minsan, sa bihirang kaso, kailangan ng gamot na antibiyotiko: gamot na pangkontra sa impeksiyon.

Ang bakterya ay tumitira o umiiral sa bituka.

Pag ikaw ay may diarea o nagtatae, may panganib o peligro na mahahawaan mo ang ibang tao sa pamamagitan ng iyong pagtatae sapagkat ang bakteriang ito ay natitira o umiiral sa iyong dumi.

Ang mga taong malapit at nakapaligid sa araw araw na buhay mo ay may peligrong mahawaan mo maliban kung maingat ka at magpanatili ka ng mabuting paghuhugas ng kamay pagkatapos mo ng gamit ng kasilyas. Mahalaga talaga ang pagpapanatili ng magaling at lubos at maganap na paghuhugas ng kamay pagkatapos ng pagdudumi.

Maraming mabangis at maamong hayop, lalo na ang ibon, at ang mga hayop sa pagsasaka o sa bukid, kagaya ng baka, baboy, pati ang aso at pusa, ay maaaring tagapagdala ng

Campylobakterya. Ang paghahawa ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng pagkain o inumin na naglalaman ng bakteryang ito. Ang bakteryang ito ay mamatay sa pamamagitan ng init o pagluluto. Kaya and mga pagkaing nalutong mabuti o maganap ay hindi peligroso. At saka

kailangan na ang mga kagamitan sa kusina , kagaya ng baso, kutsara, tinidor, kutsilyo at iba pa ay kailangang hugas na mabuti para mabawasan ang peligro ng paghahawa ng bakteria sa

pamamagitan ng pagkakain at paginumin ng ano man na may nagdadala ng Campylobakterya.

Kung ikaw ay nagtratrabaho sa hospital o dispensario o saan man na nag-aalaga ka ng maysakit, o kaya sa lugar na humahawak o namamahala ka ng pagkain, prutas at gulay, o nagluluto o nagsisilbi ka ng pagkain, masyadong importante na hindi ka magtrabaho kung ikaw ay nagtatae at nagsusuka. Huwag kang babalik sa trabaho hanggang hindi pa tapos ang pagtatae at ang dumi ay bumalik na sa normal. Ganon din kung ikaw ay nagtratrabaho sa eskuela o sa lugal na

maraming mga bata.

Kung ikaw ay nagtratrabaho sa lugal na namamahala ng pagkain na hindi nakaimpake o hindi nakabalot, mayroong batas na kailangan mong ireport sa iyong empleo na ikaw ay maysakit na nakakahawa.

1(2)

(2)

Sveriges Smittskyddsläkarförening 2004-07-01 med anpassning för Norrbottens län 2006-08-16

Para maiwasan ang paghahawa sa ibang tao, kailangan mong:

Manatili sa bahay at hindi magpunta sa trabaho habang meron ka pang diare o pagtatae.

Maghugas ng kamay pagkatapos ng pagdudumi.

Gamitin mo ang sariling sabon ( mas mabuti ang sabon na likido ) at tuwalya.

Kung meron kang sanggol na nagtatae dahil sa bakteryang ito, ibalot mong mabuti ang lampin sa plastik na supot bago mo itapon sa karaniwang basura. Linisin at hugasan mong mabuti and lamesa na pinagpapalitan ng lampin ng sanggol at maghugas ka ng kamay pagkatapos ng pagpapalit ng lampin.

Meron pang ibang payo at tagubilin sa mga pahina ng Pagsanggalan Laban Sa Mga

Nakakahawang Karamdaman, na ang titulo ay: "Payo tungkol sa ihiyene para sa nakakahawang bakterya sa bituka" ( "Hygienråd vid tarmsmitta" ) na puede mong makuha sa doktor mo.

Smittskydd, Norrbottens läns landsting Sunderby sjukhus

971 80 Luleå

www.nll.se/smittskydd

2(2)

Referanslar

Benzer Belgeler

Ancak 32 nci madde uyarınca toplu sözleşmede belirlenen tavan tutarın, unvanlar itibarıyla ilgili personele söz konusu sözleşmeler uyarınca yapılmakta olan ortalama aylık

eqQ;qQc\;rak' eragfpiu;RHiqUk eS;Tiu;rak dfmHmhut\ eragfpiu;RHiqUrE> eS;Tiu;Ap\kiu qMu;rak

-Pag inorder ng doktor, kailangan mong bumalik sa dispensaryo o ospital para ma-iksamen o masiyasat o masuri ka uli ng doktor at baka kailangang mag-order pa siya ng mga iba pang mga

Ugomba kumenyesha uwo muntu ko amaraso yawe afise agakoko k’umugera wa sida kandi ko agomba byihutirwa kujya aho bivuriza indwara canke se clinique ishinzwe ukwandura

Amja;A`pa;etQ>r`pI; tKjio>Niuc\cMetQmHa ATU;etQ>rel.RHipfty\" eragfpiu;RHiqU ARQy\erak\qU twk\ekja\mHa dIeragflkˆ¯a lMu;wmetQ>rpfBU;" etQ>rel.RHitE.. lUnak

Ugomba kumenyesha uwo muntu ko amaraso yawe afite agakoko ka hepatite B kandi ko agomba byihutirwa kujya aho bivuriza indwara cangwa se clinique ishinzwe ukwandura indwara

Hata wakati wa matibabu sahihi, kondomu lazima itumike wakati wa ngono ya mkundu na ya uke ili kupunguza hatari ya maambukizo ya Ukimwi kadri iwezekanavyo.. Madawa

Prezervatif, Hepatit B ve diğer cinsel yoldan bulaşan hastalıklara karşı iyi bir korunma yoludur ve partnerinizin Hepatit B bağışıklığı yoksa (bu hastalığı geçirmiş ya